Team Gloc-9 Lanyards For Sale! :)
Limited Edition Team Gloc-9 ID Lace/Lanyards
P250 each + shipping.
Email us at g9toys@gmail.com.
Limited Edition Team Gloc-9 ID Lace/Lanyards
P250 each + shipping.
Email us at g9toys@gmail.com.
uploaded by KONEKTADOWORLD, Jun 25 2012.
day one ng video shoot para sa unang single mula sa MKNM!
parating na ang susunod na album ni Gloc-9!
Suportahan po natin ang aking kaibigan Allan Mitchell Silonga: isang mabuting tao higit sa lahat isang mabuting ama at asawa. Kasama ang kanyang banda Daddy’s Home sa xfactor. Kasama ko din sya sa bago kong kanta sa aking bagong album:)
http://www.facebook.com/pages/Daddys-Home-Original-Fan-Pages/237231599713739
nominado si Gloc-9 para sa male singer of the year sa
Yahoo! Philippines OMG Awards 2012!
“Kahit sa maigsi nating pagsasama hindi ko naramdaman na trabaho o pagkakakitaan ang trato mo sa akin sa halip masarap na kainan, kwentuhan at true friendship ang binigay mo sa akin at sa aking pamilya Sir at dahil dito ako ay nagpapasalamat sa’yo Sir. We will miss you & we love you. Goodbye Sir Richard.”
— Aries, June 3 2012.
with Sarah Geronimo and Jovit Baldovino.
ni Bienvenido Lumbera, National Artist
May dalawang awit si Gloc-9 na matingkad ang nilalam ang kamalayang panlipunan. Una, ang UPUAN, na kumakausap sa mayayaman na may “malaking bahay at malawak na bakuran.” Sila ang nakaupo at namimin tana. Sinasabihan sila na “subukan nyo namang tumayo”. Baka sakali raw ay matanaw ng namimintana “ang tunay na kalagayan” ng umaawit. Ano ba ang kalagayan ng namamalimos ng pansin?
Iisa-isahin niya ang palatandaan ng matinding kahirapan. Pantakal ng bigas ay “di puno.” “Pinagtagpi-tagping yero ang bubong.” “Takureng “uling-uling” ang gamit sa kalan. Sa umaga ang kusina’y “aming banyo. “Kitang singuwenta pesos maghapon ay pagkakasyahin sa mga pangangailangan.
Ano naman ang kalagayan ng namimintana? Malaking bahay at malawak na bakuran. Pinapaligiran ng mataas na pader. “Mga plato’t kutsara na hindi kilala ang tutong.” Kahit hindi pasko ay may nakahaing hamon. Kaning simputi ng gatas. “Nakapil ang mga mamahaling sasakyan.” Ang awit ni Gloc-9 ay tungkol sa dalawang magkataliwas na uri sa lipunang Filipino, ang tinatawag ng mga aktibistang “naghaharing uri” at ang karaniwang taguriang “masa” kapag nagraraly ang mga kabataang nagdadala ng linyang Pambansang Demokrasya.
Sa isa pang awit ay itinatangi sa pangingibang-bayan ng mga mahirap na nagbabaka-sakaling kumita ng malaki sa pamamagitan ng pagpapaalila sa mga dayuhan. Ito ang WALANG NATIRA. Binubuksan ang awit ng “Napakaraming guro dito sa amin, ngunit bakit walang natira. Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira. Nag-aabroad sila. . .” Sa ibang bayan, “ang pahinga’y iipunin para magamit pag-uwi,” “mabahiran ng tsokolate ang matamis na ngiting anak na halos di nakilala ang ama o ina na wala sa tuwing kaarawan nila. ” Sa dakong huli, kakausapin ng umaawit ang mga OFW – “subukan mong isipin kung gaano kabigat na buhat ang maleta halos hindi mo maangat” na ang implikasyon ay ang bigat ng problemang paglisan sa sariling bayan, ang pakiki pamuhay sa dayuhang naiiba ang kultura at ang magaganap na pagkawasak ng pamilya. Muli ang awit na ito ay umuungkat sa kahirapan at sa iba pang suliraning panlipunan.