Videos

Gloc-9, balik Star Music!

Noong 1999, ipinahanap ni Enrico Santos ng Star Records si Aristotle Pollisco sa Binangonan Rizal – ito lang ang nakasulat sa casette na may sample ng mga kanta ng rapper na makikilala natin bilang Gloc-9.

Sa Star Records rin lalabas ang una niyang self-titled CD, na naglalaman ng kantang “Bakit” na isinali niya sa Himig Handog Love Songs 2002, at ang mga kantang “Isang Araw” at “Ayoko Na” na parehong ginamit sa pelikulang Trip ng Star Cinema.

Ngayon, matapos ang sampung taon, ay nagbabalik si Gloc-9 sa recording company na unang nagtiwala sa kanyang kakayahan sa pagsusulat ng kanta at pagra-rap. Sa pagbabalik niyang ito ay maaasahan ang matitinding collaboration sa pagitan ni Gloc-9 at ng team ng Star Music, na isa sa pinaka-produktibo at creative na mga recording company sa kasalukuyan.

patparazzi

Patuloy naming maaasahan ng mga tagahanga at tagasuporta ni Gloc-9 ang mga kantang makabuluhan ngunit hindi nagsesermon, na tatalakay sa mga sitwasyong madalas ayaw nating makita, ngunit sa pamamagitan ng awit ay nagagawa nating pagusapan.

‘Yan ang tatak ng mga kanta ni Gloc-9, at sa kanyang pagbabalik sa Star Music, tiyak lalo pang magiging metatag ang tatak na ito.***

Maraming salamat sa pag-DL ng #ParehoTayo! #Gloc9

Ikinagulat ng lahat ang pag-release ni Gloc-9 ng kantang “Pareho Tayo” sa unang linggo ng 2016. Hindi lang kasi ito isang independent release, libre ring mapapakinggan at mada-download ang kantang ito, na ikinatuwa naman ng kanyang mga tagahanga at tagasuporta.

Internet connection lang ang katapat, at puwede nang marinig ang bago niyang kanta. Sabi nga ni Gloc-9, ito ang kantang hindi mo kailangan ng pera para mapakinggan.

Kung tutuusin hindi ito ang unang beses na nag-release ang rap icon ng independent song. Noong nakaraang taon, kanyang inilabas ang kantang “Payag,” isang pagtatangkang mas maintindihan kung bakit iisang klaseng pulitika ang laging kinakaharap ng mga Pilipino, kahit na ito ring pulitikang ito ang dahilan ng kanyang kahirapan. Walang binabanggit na pangalan sa “Payag” ngunit patungkol ito sa klase ng pulitikong matamis ang pananalita at magaling mangako.

_DSC3705

Ang “Pareho Tayo” ay kaiba sa “Payag,” dahil bagamat nakatungtong pa rin ito sa katotohanan ng naghihirap na lipunan, mayroon itong naaaninag na posibilidad ng pagbabago. Binubuo ni Gloc-9 sa “Pareho Tayo” ang isang lugar at panahon kung saan ang mga karapatang mag-aral at magpa-ospital ay hindi na pribilehiyo, kung saan walang diskriminasyon base sa kulay ng balat, sa pagkain sa ating lamesa, sa ating kinabibilangang uri sa lipunan.

Isa’t-kalahating araw matapos mag-post si Gloc-9 tungkol sa “Pareho Tayo,” umabot sa halos 8,000 hits ang kanta, at 600 downloads. Hindi ito biro para sa isang bansang mabagal at mahal ang internet.

Nagpasalamat naman si Gloc-9 sa kanyang mga tagahanga, at umaasa sa kanilang patuloy na suporta sa kanyang mga proyekto sa 2016.***

#ParehoTayo on #MYX Online! #Gloc9

The MYX website has gotten on the “Pareho Tayo” bandwagon, calling it a “surprise release” that Gloc-9 pulled off.

myx

In fact this is the second independent release of Gloc-9. Late last year, he did the song “Payag,” a reflection on the politics of nation that has had the people embroiled in a system that it has no control over. “Payag” also had a lyric video that was released solely on YouTube.

This time with “Pareho Tayo,” one senses a more hopeful stance about our politics, even as it is grounded in the realities of nation that are difficult to talk about, because we insist on denying that poverty and need continue to exist.

Unlike “Payag,” “Pareho Tayo” is free to listen to and download via SoundCloud. It will also have a music video to be released soon.***

 

Maraming salamat sa pag-DL ng #ParehoTayo! #Gloc9

Ilang oras matapos i-post ni Gloc-9 ang link sa kanyang bagong kantang “Pareho Tayo” kahapon na puwedeng pakinggan at ma-download nang libre sa official SoundCloud account niya ay pumalo ito agad sa 100 downloads. Natapos ang January 7 na may 3,000 plays ang kanta.

Hindi ito biro para sa Pilipinas, isa sa mga bansang may pinakamabagal na internet.

Abot langit naman ang pasasalamat ni Gloc-9, at ngayo’y may unlimited downloads na ang “Pareho Tayo” para sa kanyang mga tagahanga at tagasuporta. Ito ang pangalawang independent release ni Gloc-9 matapos ang “Payag” noong nakaraang taon.

Ngunit kaibasa “Payag,” ang “Pareho Tayo” ay libreng mada-download ng sinumang gusto ng baong kanta ni Gloc-9, na isa na namang paggalugad sa bayan, at sa pangangailangan nito.

Tuluy-tuloy lang po ang pag-download ng “Pareho Tayo”!

palengke

Bagong taon, bagong kanta! #Gloc9 #indierelease #parehotayo

Para buksan ang 2016, may bagong kanta si Gloc-9, isang independent release na libreng mada-download at mapapakinggan ng kanyang mga tagahanga at tagasuporta. Ito ang Pareho Tayo, isang kantang tatak Gloc-9 sa pagtingin sa lipunang nagdarahop at nahihirapan, at pagsipat sa mga sulok at iskinita ng bayang hindi natin gustong pag-usapan.

Narito ang buhay ng bawat Pinoy na patuloy na lumalaban araw-araw, isa man itong paulit-ulit na pagharap sa kahirapan, wala mang maaninag na pagbabago sa kinabukasan.

pareho tay

Mahal na bigas utang sa tindahan
Mahabang listahan na di mo pa nababayaran
Tapos pila pa sa bus, traysikel at jeep
O kaya nama’y sa tren laging nakakainip

Sa Pareho Tayo, pinipilit tayong muli ni Gloc-9 na makita ang ayaw nating tingnan, na pakinggan ang paghihirap na laging sinasabi sa’tin ay atin nang nalagpasan.***

Pakinggan, i-download ang Pareho Tayo sa Soundcloud!