Mula kay Gloc-9

Pinag sabihan po ako ng aking managment na huwag nang mag salita tungkol dito pero di ko po kaya.

Nais ko pong malaman ng lahat na nababasa ko ang mga saloobin ninyo at nirerespeto ko ito kahit na minsan masasakit na ang mga salitang kasama nito. Paumanhin po kung hindi nasunod ang gusto ninyo at mawalang galang na din po sa mga nag sasabing hindi pwedeng TRABAHO LANG ITO dahil ITO LAMANG NAMAN PO ANG TRABAHO KO. Hindi po ito hobby na naging trabaho ito po ay isang pangarap na ipinaglaban ko ng halos dalawang dekada sa kahit na saan ano at kanino at maitutuloy ko lamang ito kung ito ang magiging hanap buhay ko. Ako ay kumakanta sa entablado ng ibat ibang kandidato marahil ay hindi nyo lang gusto ang isang entabladong sinampahan ko. Katulad ng lahat may kanya kanyang dungis na ibinabato sa bawat isa sa kanila gayon paman i wish all the candidates good luck sa darating na elections at naway ang mapipili ay tunay na mag sisilbi at tamang mamumuno sa bayan natin. At sa may mga sama ng loob kung sakaling ang lahat po ng bintang duro at akusasyon ninyo sa huli ay mapapatunayang tama at tunay hihingi po ako ng tawad ngunit hindi sa kahit na sino man dahil higit sa aking pagiging manunulat ng awitin, higit sa aking pagiging ehemplo at higit sa aking pagiging mamamayan ako po ay isang Ama. Hihingi ako ng tawad sa aking mga anak dahil naniniwala ako na sa kanila lamang ako may pananagutan.

Salamat po.

Gloc-9.

21
Jul

US Tour

San Diego California

22
Jul

US Tour

Washington DC

28
Jul

US Tour

San Francisco California

29
Jul

US Tour

Los Angeles California

Copyright © 2012 Gloc-9
Site by: @joelsantiago